Friday, November 19, 2004

Nov. 19, 2004:It's My First Day

Hello and welcome to my blog! actually I did this kasi wala akong magawa! period! so what the hell, ill just get on with it.

Nandito ako ngayon sa aming butihing eskuwelahan...nakatingin sa screen ng computer.
May nag buzz. si Roy, masama loob...pag-ibig nanaman! Usap-usap, kulitan na may sense.
In a sense na parang bonding..kaya lang sa ym! Pag-ibig, si Roy siniseryoso itong usapan na ito na para sa akin ay isang malaking kalokohan!

Pag-ibig daw! natawa na lang ako sa sarili pero actually sa loob ay nagsisimulang mag-isip..
Wala pa akong girlfriend...bawal ika nga ng aking butihing magulang...aral muna.

Aral..puro aral...puro utak na lang ba ang kailangan sa buhay? ito ba kailangan para magsurvive?? paano ang puso..sa totoo..bihira ako mag-mahal..I was raised up not to feel this thing..MIND OVER HEART..MIND OVER HEART..mantra ng buhay ko..kaya iwas na lang kung umiigting ang puso, kung tumatawag ito..punta ka sa library..tumakas ka!

Nakakatawa minsan..na kung iisipin ang lapit ko nang magkaroon ng GF saka ako bumigay..saka naimpluensiyahan muli ng utak..

Hah! wow! medyo mushy na to for a first post! Nagugutom na tuloy ako! hahaha! palibre nga ko kay Roy sa McDo!

Pwede!